Biyernes, Pebrero 17, 2017

Banghay Aralin sa Filipino 9




Banghay Aralin sa Filipino 8

Petsa: Pebrero 17, 2017
I. Layunin: Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
·         Natutukoy ang mga bahagi ng liham pangangalakal
·         Nakagagawa ng isang liham
·         Nauunawaan ang kahalagahan ng pagkatuto sa paggawa ng liham sa buhay ng tao

II. Paksang Aralin: 
A.   Paksa:  Liham  
   B. Sangguniang: Tanglaw  sa  Wika  at  Panitikan pp. 116-118
   C. kagamitan: tsart, halimbawa na Liham, laptop
   D.   Pagpapahalaga:  mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang wastong pagsulat ng liham sapagkat tiyak na gagamitin nila ito sa pagdating ng panahon.
    E. Naisanib: Araling Panlipunan, Mathematics
F  F.  Values: Pagkamagalang 

  III. Pamamaraan:
A. Pagsasanay:
     
             Itatanong ng guro sa mga mag-aaral ang mga  sumusunod:

-        Ano ang inyong gagawin para magkaroon kayo ng komunikasyon sa taong nasa malayong lugar o bansa?
-        Gaano kahalaga ang liham bilang komunikasyon?

B. Balik-aral:   
 Itatanong ng guro ang mga sumusunod:
- ano angang tinalakay natin noong nakaraang tagpo?
- sino ang may akda na kwentong Walang Panginoon at sino naman pangunahing tauhan?
-ano naman ang inyong mahalagang aral na inyong napulot sa kwentong walang panginoon?

C. Pagganyak:  
·         Sino dito ang nakatanggap na ng liham?
·         Ilang liham na ang inyong natanggap?
·         Ano uri ng liham ang inyong natanggap?
·         Ano ang iyong naramdaman nang nakatanggap kayo ng  liham?
D. Paglalahad:
·         Ilalahad ng guro kung ano ang bagong aralin na tungkol sa liham at mga uri nito at ilahad nito ang kahulugan ng liham.
E. Pagtatalakay
·         Magbibigay ang guro ng isang halimbawa ng liham at tatalakayin ang mga bahagi nito.
·         Ipapaliwanag ng guro ang kahalagahan ng liham sa buhay ng tao.
F. Pagsasanay:
Panuto: Kumuha ng isang kapat na papel at sagutin ang mga katanungan

1. Ito ang bahagi ng liham kung saan makikita ang pinagmulan ng liham.
2. Ito ang bahagi ng liham nanagsaad ng pakay sa taong sinusulatan.
3. Ito naman ang bahagi ng liham na makikita ang tirahan o tanggapan ng susulatan.
4. Ito ang bahagi ng liham nanagpapahayag ng unang pagbati sasinusulatan. 
5. Ito ang bahagi ng liham namakikita sa ibaba ng bating pangwakas. 
6. Ito ang bahagi ng liham nakasunod ng katawan ng liham..

G. Paglalahat:  Tatawag ng mga mag-aaral ang guro at magtatanong:
-          Ano ang kahulugan ng liham Pangkaibigan at liham Pangangalakal at ang mga uri nito.
-          Anu-ano ang mga bahagi ng liham?
  -Ipaliwanag ang kahalagahan nito sa buhay ng tao.
H. Paglalapat:
·         Pagbubuo ng apat na pankat mula sa klase.
·         Pagpapapili ng representante sa bawat pangkat.
·         Pagpabunot ng inerloyong papel na may kaakibat na gawain.

Panuto: Isulat sa Manila Paper at tukuyin ang bahagi ng liham, ipresenta ang inyong sagot sa sumusunod na gawain:
Unang Pangat: Gumawa ng isang liham Panganlakal na tungkol sa mag-aplay ng trabaho.
Ikalawang Pangat: Gumawa ng isang liham Panganlakal na tungkol sa umuorder ng bagay.
Ikatlong Pangat: Gumawa ng isang liham Pangkaibigan na tungkol sa Pasasalamat.
Ikaapat na Pangkat: Gumawa ng isang liham Pangkaibigan na tungkol sa Paanyaya.


    Bibigyan ang bawat Pangkat ng sampung minuto. 

     Pamantayan sa Pagmamarka.
§  Kooperasyon-20%
§  Angkop sa Paggamit ng Bantas -25%
§  Kalinisan sa Pagsulat -20%
§  Angkop ang Tema -35%
Kabuuan: 100%
Ø  Presentasyon ng bawat pangkat.
Ø  Pagbibigay puna ng ibang pangkat.
IV. Pagtataya:
Panuto: Sa isang buong papel sasagutan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
·         Gumawa ng isang liham pangangalakal batay sa sitwasyong ito:
  -Nais mong umorder ng isang aklat na may pamagat na “Tanglaw sa Wika at Panitikan sa Filipino 8” sa National Bookstore na matatagpuan sa Edsa Corner Shaw boulevard, Mandaluyung City . Kakailanganin mo ito sa susunod na lingo.
V. Takdang-Aralin:
Panuto: Sa isang kalahating papel, isulat ang inyong sariling pang-unawa tungkol sa kahalagahan ng paggawa ng isang liham pangangalakal sa buhay mo bilang mag-aaral.
Takdang aralin:   Ipabasa ng guro pp. 119-120 para sa susunod na talakayan na   tungkol sa tula.



Inihanda ni: Mel B. Silvano

1 komento:

  1. Caesars Casino Resort - Dr.MCD
    Caesars 익산 출장안마 Palace Casino Resort Caesars 문경 출장샵 Palace Resort's non-stop entertainment 양산 출장샵 and premier gaming resort 동해 출장샵 features more than 175,000 square feet of 동두천 출장안마

    TumugonBurahin